Gayuma
Hindi makaalis, ang puso ng mata
Diretso sa bula, diretso sa bula
Wag na magtiis, ang ulo mo’y wala
Walang magagawa, walang magagawa
Hindi salamangka, ikaw nagsimula
Naligo sa batis, biglang wala ka na
Sa ulap ang mata, saan ka pumunta?
Diretso, sa nais, walang wala ka na
Walang wala ka na, mula taas-baba
Mula taas-baba, patuloy ang wala
Sarili’y inipon, inalay sa iba
Sarili’y nalais, napagsamantala
Ginamit ng gamit, kun’di ka man gamít
Ginamit ang gamit, sarili’y giniit
Subalit ang sakít, kumapit, makulit
At babalik-balik, hindi makaalis
