Poem: Pasahero/Passenger
Pasahero
Namumutlang damdamin
Katawang tuyong tuyo
Mamaya ay iisipin
Ang ngayo’y hindi buo
Orasang walang kamay
Kapalaran hinayaan
Sasakyang walang sakay
Ang sarili babayaran
Tagaktak na itong pawis
“Walang bawas, walang labis”
Ang kamay makasarili
Pawang nawalang langis
Ang hinaharap ngayon
Talikod na panahon
Bababa nalang sa kanto
Ang dereyalisasyon
Passenger
Feeling weak and tired
The body, wrung and dry
Thinking by and by
The now has gone awry
The clock without a hand
His fate is left to be
A ride without a man
Itself, the only fee
The sweat now soaking
“Nothing more, nothing less”
The hand so selfish
Like oil so gone and spent
What he faces now
The times which turned away
From where he gets down
A day’s another day
ยท 1 min read
comments powered by Disqus