Poem: Gayuma

Gayuma

Hindi makaalis, ang puso ng mata
Diretso sa bula, hindi makawala
Huwag na magtiis, ang ulo mo’y wala
Sa ‘yong nadarama, Walang magagawa

Hindi salamangka, ikaw nagsimula
Naligo, sa batis, biglang wala ka na
Sa ulap ang mata, saan ka pumunta?
Diretso, sa nais, walang wala ka na

Walang wala ka na, mula taas-baba
Mula taas-baba, patuloy ang wala
Sarili’y inipon, inalay sa iba
Sarili’y nalais, napagsamantala

Ginamit ng gamit, kun’di ka man gamít
Ginamit ang gamit, sarili’y giniit
Subalit ang sakít, kumapit, makulit
At babalik-balik, hindi makaalis

· 1 min read
comments powered by Disqus